Pinsala ng El Niño sa agrikultura, P9.5 bilyon — Department of Agriculture

Locals walk over the dry part of Intang Lake in Pantabangan, Nueva Ecija on April 22, 2024.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umaabot na sa P9.5 bilyong halaga ang pinsala ng El Niño sa agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang palayan ang may pinaka malaking pinsala ng tagtuyot na umaabot sa P4.6 bilyon, pataniman ng mais na may pinsala na aabot sa P3.1 bilyon at ang iba pang higit na napinsala ay ang mga high-value crops tulad ng repolyo, carrots gayundin ang palaisdaan at manukan.

Umaabot naman sa 175,000 magsasaka ang naapektuhan ang hanap buhay sa pagtatanim dahil sa kawalang ulan dulot ng El Niño habang nasa 164,000 ektarya ng pata­niman ang nasira.

Umaasa naman si DA Spokesperson Arnel De Mesa na hindi na mada­ragdagan pa ang epektong dulot ng El Niño sa mga magsasaka dahil sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Show comments