Pag-IBIG Fund, nakapagtala ng record-high na P28.09 bilyong housing loan releases sa Q1 2024

MANILA, Philippines —  Iniulat ng Pag-IBIG Fund na ang kanilang home loan releases para sa unang bahagi ng 2024 ay umabot sa P28.09 bilyon.

Ito na umano ang pinakamalaking halaga na nailabas ng ahensiya para sa alinmang buwan ng January to March period sa kanilang kasaysayan.

Sa anunsiyo ng mga top officials nito sa idinaos na North Luzon leg ng Stakeholders Accomplishment Report (StAR) noong Mayo 10, nabatid na mula Ene­ro hanggang Marso, ang halaga ng home loans na nai-released ng ahensiya ay tumaas ng P520.81 milyon, kumpara sa  P27.57 bilyong home loans na- released nito sa kaparehong panahon noong 2023.

Ayon sa Pag-IBIG Fund, ang halaga na nailabas sa unang tatlong buwan ng taon, ay naging dahilan upang magkaroon na ng sariling tahanan ang 19,817 miyembro nito.

“Pag-IBIG Fund’s performance for the first quarter of 2024 now stands as the highest in our history. This means that Pag-IBIG Fund continues to serve more Filipino workers over the years, enabling their members to have homes that they can call their own. This is in line with the government’s efforts of resolving the housing backlog and providing a better quality of life for Filipinos,” ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Pinangunahan ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Marilene C. Acosta ang Pag-IBIG Fund sa pagdaraos ng kanilang semi-annual stakeholder engagement events na isinagawa sa mga pangunahing rehiyon upang i-update ang mga miyembro, employers, at partner-developers, hinggil sa estado ng pondo.

Bukod sa first-quarter accomplishments, iniulat rin ni Acosta na ang ahensiya ay nagkamit rin ng panibagong banner year noong 2023, at nakapaglabas ng P126.04 bilyon sa shelter financing, na 7% na pagtalon mula sa P117.85 bilyon na pinondohan nito noong 2022.

“We thank our stakeholders, namely the business community, for the timely remittance of their employees’ monthly savings and loan payments, our partner developers in building and delivering quality housing projects and accounts, our members who continue to save with us and choose our loan programs, and our borrowers for their prompt payment on their loan obligations. Their trust and support have always been instrumental in sustaining our growth and record-high achievements, and more importantly, in furthering our goal of providing access to affordable homeownership to more Filipino workers,” dagdag ni Acosta.

Ang Pag-IBIG stakeholder engagement sessions ay sinimulan sa NCR at idinaos sa SMX Convention Center noong Abril 16.

Sa Davao City naman idinaos ang Mindanao leg, sa Cebu City naman ang Visayas leg, at sa Alabang naman sa South Luzon.

Ang North Luzon leg ay idinaos naman sa Clark, Pampanga, na siyang pinakahuli sa stakeholder engagement series para sa unang semestre.

Ang naturang semi-annual event ay dinaluhan ng mahigit sa 2,000 stakehol­ders sa buong bansa.

Show comments