^

Bansa

Phivolcs: Taal pumutok ng 4 na beses, dumami ibinubugang asupre

James Relativo - Philstar.com
Phivolcs: Taal pumutok ng 4 na beses, dumami ibinubugang asupre
Kuha ng phreatic event sa Taal Main Crater Lake, ika-10 ng Mayo, 2024
Video grab mula sa Facebook page ng Phivolcs

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng apat na mahihina ngunit sunud-sunod na "phreatic" o steam-driven eruptions sa Taal Main Crater ngayong Biyernes, batay sa pagmamatyag ng state volcanologists.

Ayon sa Phivolcs, naaagdulot ito ng asok na ibinuga 100 hanggang 300 metro pataas bunganga ng bulkan bago tumungo sa dakong timogkanluran.

"Four (4) minor successive phreatic or steam-driven eruptions at the Taal Main Crater occurred this morning between 7:03 AM to 07:09 AM, 07:17 AM to 07:18 AM, 07:52 AM to 07:54 AM and 07:57AM to 08:00 AM based on visual observations," sabi ng Phivolcs kanina.

"Sulfur dioxide (SO2) emissions slightly increased yesterday, 9 May 2024 at 2,346 tonnes/day. Average SO2 emissions since January this year remain high at 8,766 tonnes/day."

Paliwanag ng mga eksperto, posibleng idinulot ang naturang phreatic activitiy ng patuloy na pagbubuga ng mainit na volcanic gases sa Taal Main Crater, bagay na posibleng masundan pa.

Sa kabila nito, tiniyak nilang mababa ng tiyansang mauwi ito sa pagsabog na magbubuga ng magma ang bulkan.

Nasa Alert Level 1 pa rin ang Bulkang Taal, na siyang abnormal pa rin. Dahil dito, hindi raw dapat tignan na tapos na pag-aalburoto nito at laging nariyan ang banta ng pagsabog.

Tuwing ganito ang alert level, maaasahan aniya ang mga sumusunold na aktibidad sa loob ng Taal Volcano Island:

  • biglaang steam-driven o phreatic explosions
  • volcanic earthquakes
  • minor ashfall
  • lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas

Negatibong epekto sa kalusugan

Nagbabala naman ng ilang negatibong epekto sa kalusugan ng komunidad ang Phivolcs kaugnay ng ibinubugang kemikal ng bulkan.

"Furthermore, degassing of high concentrations of volcanic SO2 continues to pose the threat of potential long-term health impacts to communities around Taal Caldera that are frequently exposed to volcanic gas," patuloy nila.

"DOST-PHIVOLCS strongly recommends that entry into TVI, Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ, especially the vicinities of the Main Crater and the Daang Kastila fissure, must remain strictly prohibited."

Iminumungkahi naman sa mga lokal na pamahalaang patuloy na magbantay at tasahin ang kahandaan ng kani-kanilang komunidad para makagawa ng akmang aksyong makababawas sa peligro ng tuloy-tuloy na pagbubuga ng gasses at phreatic activity.

Inaabisuhan din ang civil aviation authorities na paaiwasin ang mga pilotong lumipad malapit sa bulkan sa dahilang maaari itong magdulot ng panganib sa mga eroplano.

ERUPTION

PHIVOLCS

SEISMOLOGY

SULFUR DIOXIDE

TAAL VOLCANO

VOLCANOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with