^

Bansa

Maricel Soriano humarap sa ‘PDEA leaks’ probe ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Maricel Soriano humarap sa ‘PDEA leaks’ probe ng Senado
Kuha sa aktres na si Maricel Soriano habang tumetestigo sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ika-7 ng Mayo, 2024
Video grab mula sa YouTube account ng Senado

MANILA, Philippines — Humarap kahapon sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang aktres na si Maricel Soriano kung saan inamin niya na siya ang dating may-ari ng condominium unit sa Makati City na iniuugnay sa umano’y aktibidad ng ilegal na droga mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Bukod kay Soriano, ini­uugnay din sa nag-leak na dokumento ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang personalidad kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Unang-una po hindi ko ho alam ‘yung tungkol sa mga dokumento. Nalaman ko na lang ‘yan nu’ng pinakita sa akin dahil hindi po ako nagbabasa ng mga ganyan. Wala po akong alam,” ani Soriano nang tanungin tungkol sa sinasabing dokumento ng PDEA.

Sinabi rin ni Soriano na hindi malinaw sa kanya kung bakit siya inimbitahan ng Senado.

“Sa totoo lang po, hindi malinaw sa akin kung bakit ako naimbitahan sa hearing. Nagtataka lang po ako dahil lahat po ng tumestigo dito ay nagsabing hindi na-verify ang impormasyon ni Mr. Morales at walang imbestigasyon na naganap. Pasensya na po kung nalilito po talaga ako dito,” ani Soriano.

Ang tinutukoy ni Soriano ay si dating PDEA intelligence officer Jonathan Morales, na nauna nang tumestigo sa Senado na siya ang lumagda sa nag-leaked na dokumento na nag-uugnay sa ilang personalidad sa paggamit ng ilegal na droga.

Kinumpirma naman ng aktres ang pagmamay-ari ng condo unit sa Makati City.

Binanggit sa isa sa mga umano’y nag-leak na dokumento na isang grupo ng mga showbiz at maya­yamang personalidad ang umano’y madalas na guma­gamit ng ilegal na droga sa isang unit ng condo sa Makati City.

Gayunpaman, sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, binanggit ng chairman nitong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang ibang condo unit number nang tanungin niya si Soriano kung pagmamay-ari niya ito.

Sumagot ang aktres ng “oo” ngunit idinagdag na naibenta na niya ang ari-arian noong 2012.

Sinabi ni Dela Rosa na noong taon ding iyon ang umano’y nag-leak na pre-operation report at autho­rity to operate na inilabas umano ng PDEA.

Pagkatapos ay hiniling niya sa aktres na ibigay ang eksaktong buwan na ibinenta niya ang ari-arian.

“Hindi ako sigurado tungkol sa buwan ngunit naaalala ko ang taon,” ani Soriano.

MARICEL SORIANO

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with