^

Bansa

Pinoy na dumanas ng gutom dumami – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinoy na dumanas ng gutom dumami � SWS
Residents go about their daily routines in the urban community in Binondo, Manila on April 23, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tumaas sa 14.2 percent ang bilang ng mga ­pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom sa bansa, batay sa latest survey na naipalabas ng Social Weather station na ginawa noong March 2024.

Ang naturang porsyento ay mataas sa 10.7 percent annual hunger rate noong 2023 ng mga pamilyang gutom at walang makain.

Ayon sa SWS, sa 14.2% ay kabuuang 12.2% ng pamilyang Pilipino ang dumanas ng “moderate hunger” ng may ilang beses sa nagdaang tatlong buwan at 2 percent naman ang “severe hunger” o madalas ay dumaranas ng gutom.

Ang moderate at severe hunger nitong March 2024 ay mas mataas noong December 2023 na pumalo sa mode­rate hunger na 11.2% at severe hunger na 1.6 percent.

Ang hunger rate sa Metro Manila ang pinaka mataas sa 19%, kumpara sa 12.7% hunger rate sa NCR noong December 2023.

Sinundan ito ng Balance Luzon, 15.3%; Visayas, 15% habang ang Mindanao ang nagtala ng pagbaba ng hunger rate na 8.7% noong March 2023 mula sa 12% noong December 2023.

Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with