^

Bansa

Graphic health warnings sa E-cigs, vapes, kailangan - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng malakas na suporta si Senador Christopher “Bong” Go sa pagpapatupad ng graphic health warnings (GHWs) sa mga electronic cigarette at vapes, isang panukalang itinakda sa Mayo 12, gaya ng inihayag ng Department of Health (DOH).

Binigyang-diin ni Go ang pangangailangan ng mga katulad na hakbang sa mga produktong tabako alinsunod sa Republic Act No. 10643 o Graphics Health Warnings Law;  gayundin ang Republic Act No. 11900, o ang Vapo­rized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Ang patakaran, alinsunod sa mga batas na ito, ay nag-aatas na sakupin ng mga GHW ang kalahati ng packaging ng vape, na nagpapakita ng graphic health warnings na nauugnay sa vaping, tulad ng pinsala sa baga at dry mouth.

Ang mga babalang ito ay upang ipaalam sa mga mamimili ang mga panganib ng nicotine at non-nicotine vape products.

“As chair of the Senate committee on health, I will continue to support specific government measures to protect the health and lives of our people and policies that will advance their welfare,” ani Go.

Iginiit ni Go na mahalaga ang naturang mga regulasyon­ sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipinong mamimili, lalo na ng mga kabataan.

vuukle comment

DOH

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with