Marcos: Ex-president Duterte ‘di karibal sa pulitika

MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya tinitingnan si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang isang political enemy sa kabila ng mga ginagawang pagbatikos sa kanya.
“I don’t consider him a political enemy. It takes two to tango,” sabi ni Marcos.
Nagbigay ng reaksyon ang Pangulo sa sinabi ni Duterte na maaaring magkaaway sa pulitika ang dalawa kasunod nang pagsuspinde kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.
Nag-ugat ang suspensiyon sa isang reklamo ng grave abuse of authority at oppression.
Tinawag din ni Duterte na “crybaby” ang pangulo sa kanyang pagkiling sa United States matapos magpahayag ng hindi pagsang-ayon si Marcos sa umano’y “gentleman’s agreement” ng dating pinuno kay Chinese President Xi Jinping sa usapin ng West Philippine Sea.
“Did you see me cry? I don’t want to pay attention to that. I really don’t. That means absolutely nothing to me,” anj Marcos said. Idinagdag ni Marcos na dapat alam ni Duterte na ang “ad hominem attacks” ay walang lugar sa “high level discussions.”
Noong Enero, naglunsad si Duterte ng tirada laban kay Marcos dahil sa kampanyang baguhin ang 1987 Constitution.
Binalaan din ni Duterte si Marcos na ang paghabol sa charter change ay maaaring humantong sa pagpapatalsik sa kanya, katulad ng nangyari sa kanyang diktador na ama.
Sumagot si Marcos at sinabi na ang paggamit ng dating pangulo ng fentanyl ay nagdulot ng pinsala sa kanyang kalusugan.
- Latest