^

Bansa

Bong Go, tumulong sa mga biktima ng bagyo sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Carina, agad kumilos si Senador Christopher “Bong” Go para mabigyan ng agarang suporta ang mga biktima.

Bumisita si Go sa mga apektadong pamilya sa Barangay 519, Zone 51, Sampaloc, Maynila noong Huwebes at nangakong makikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis at epektibong tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Nagpasalamat ang senador sa lokal na pamahalaan ng Maynila sa kanilang mabilis na pagtugon at pagtulong sa mga apektadong pamilya sa lugar.

Umaabot sa 400 apektadong pamilya ang nakatanggap ng mga grocery pack, de-latang paninda, meryenda, bitamina, masks, at kamiseta mula mismo kay Go. May mga piling tumanggap din ng basketball, volleyball, at sapatos.

Sa kanyang pagbisita, napansin ni Senator Go si Ricardo Mendoza na basang-basa ang sapatos dahil sa baha. Naantig sa sinapit ni Mendoza, agad hinubad ng senador ang sariling sapatos at ibinigay sa kanya.

Habang pinaiigting ng gobyerno ang pagtulong sa mga binagyo, nangako si Go na sa kanyang personal na paraan at abot ng makakaya ay tutulong siya sa mga biktima ng bagyo.

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with