^

Bansa

Mas marami pang Super Health Center isinulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, aktibong isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpaparami pa ng Super Health Centers sa buong bansa bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na palakasin ang accessibility sa healthcare services, lalo sa mga katutubo.

Noong Miyerkules, binisita ni Senator Go ang tatlong pangunahing mga site sa Bataan, na pinagtayuan ng SHCs.

Ininspeksyon ni Go ang Super Health Center sa Hermosa, lumahok sa blessing at turnover ceremony sa Samal, at dumalo sa groundbreaking ceremony sa Limay. Kasabay nito, idineklara si Go bilang adopted son ng lahat ng tatlong bayan dahil sa kanyang patuloy na paglilingkod sa kanilang mga komunidad.

Binigyang-diin ni Sen. Go na ang mga SHC ay napakahalaga sa pagpapagaan ng pasanin sa mga ospital, pagpapahusay ng maagang pagtuklas ng sakit, at pagtiyak ng pagkakaroon ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Ang inisyatiba ni Go na suportado ng Department of Health, sa pamumuno ni Secretary Teodoro Herbosa, ng local government units, at mga kapwa mambabatas, ay nakakuha ng sapat na pondo para sa pagtatayo ng higit 700 Super Health Cen­ters sa buong bansa. Ang walo rito ay matatagpuan sa lalawigan ng Bataan.

“Isinulong po natin at ipinaglaban na magkaroon ng Super Health Center dito sa inyo dahil alam ko po kung gaano ninyo kailangang mapalapit sa inyo ang serbisyong medikal ng gobyerno. Naiintindihan ko po na napakalayo ng lugar ninyo sa sentro kaya naman kami na po ang gumawa ng paraan para hindi na kayo lumayo pa para makapagpagamot,” sabi ni Go.

Binigyang-diin din ni Go na mahalaga sa mga residente na unahin ang kanilang kalusugan at kapakanan.

SUPER HEALTH CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with