MANILA, Philippines — Lumobo sa ikalawang sunod na buwan ang inflation rate nitong Marso patungong 3.7% primarya dahil sa mas matuling pagtaas ng presyo ng "heavily-weighted food and non-alcoholic beverages," ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ang inflation noong nakaraang buwan kumpara noong Pebrero 2024 na noo'y nasa 3.4%. Gaya noong Marso, mas mabilis na pagtaas sa presyo ng pagkain din ang dahilan sa pagtaas ng inflation noon.
Related Stories
"This brings the national average inflation from January to March 2024 at 3.3 percent. In March 2023, inflation rate was higher at 7.6 percent," wika ng PSA sa isang pahayag ngayong Biyernes.
"The uptrend in the overall inflation in March 2024 was primarily influenced by the higher year-on-year increase in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 5.6 percent during the month from 4.6 percent in February 2024."
Bukod pa riyan, tumaas din ang annual increases sa indices ng mga sumusunod, na siyang parehong nag-ambag sa upward trend noong nakaraang buwan:
- transport: 2.1% (mula sa dating 1.2%)
- restaurants and accommodation services: 5.6% (mula sa dating 5.3%)
- health: 3.2% (mula sa dating 3%)
- recreation, sport and culture: 3.9% (mula sa dating 3.8%)
Sa kabilang banda, nakapagtala naman ng mas mabababang inflation rates para sa mga sumusunod na commodity groups noong Marso:
- Alcoholic beverages and tobacco: 6.7% (mula sa dating 8.6%)
- Housing, water, electricity, gas and other fuels: 0.5% (mula sa dating 0.9%)
- Furnishings, household equipment and routine household maintenance: 3.2% (mula sa dating 3.3%)
- Personal care, and miscellaneous goods and services: 3.6% (mula sa dating 3.8%)
Napanatili naman ng mga nalalabing commodity groups ang kani-kanilang annual rates noong Pebrero.
Samantala, pangunahing nag-ambag sa March 2024 overall inflation ang: pagkain (57.3% share), restaurants and accomodation (14.6% share) at transport (5.1% share).
Anyare sa food inflation?
"Food inflation at the national level rose to 5.7 percent in March 2024 from 4.8 percent in February 2024. In March 2023, food inflation was higher at 9.5 percent," dagdag pa ng PSA.
"The acceleration of food inflation in March 2024 was mainly brought about by the slower year-on-year decrease in vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses index at 2.5 percent in March 2024 from 11.0 percent annual decline in the previous month."
Maliban pa riyan, nakapagtala ng mas mabilis na taunang pagtaas sa 2.% ang karne mula sa dating 0.7% noong Pebrero 2024.
Tumaaas din ang inflation rate ng cereals at cereal products (bigas, mais, harina, tinapay atbp. bakery products, pasta products atbp.) patungong 17.3% noong naturang buwan mula sa 17% noong Pebrero.
17-buwang hinawakan noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture bilang kalihim dahil sa "krisis sa pagkain" bago niya ito ipaubaya kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr.
Matatandaang ipinangako ni Marcos na ibababa sa P20/kilo ang presyo ng bigas habang nangangampanya pa sa pagkapresidente noong 2022 national elections. Hindi pa rin ito natutupad hanggang sa ngayon.
Enero 2024 lang nang ibalita ng Social Weather Stations na 13 milyong pamilya ang naniniwalang sila'y mahirap sa pagtatapos ng taong 2023, bagay bumubuo sa 47% ng kabbuang bilang ng pamilyang Pinoy.