^

Bansa

‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Pertussis outbreak� idineklara sa Quezon City
Quezon City Mayor Joy Belmonte, Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance unit chief Dr. Rolly Cruz, Quezon City Health Department officer-in-charge Dr. Ramona, and Payatas barangay captain Hon. Rascal Doctor discuss the rising cases of pertussis during a press conference at the Quezon City Hall on March 21, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pinakikilos na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o ­whooping cough sa lungsod.

Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat na ang nasawi.

Ayon naman kay QC Epidemiology and Surveillance Dept Chief Dr. Rolly Cruz, kadalasang biktima ng sakit na ito sa lungsod ay mga sanggol na wala pang anim na buwang gulang. Aniya, ang pagsirit sa kaso ng pertussis ay dulot ng kawalan nang bakuna ng mga sanggol.

Sa kasalukuyan, 14 brgy na ang apektado ng pertussis sa QC kung saan pinakamarami ang kaso sa Brgy. Payatas B.

Gayunman, tiniyak ni Belmonte na walang dapat ikabahala ang mga residente dahil nakatutok na ang pamahalaang lungsod para agad na matugunan ang sitwasyong ito.

Kabilang sa hakbang ng LGU ay ang pinaigting na surveillance, at contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Plano na rin ng pamahalaang lungsod na bumili ng sariling Pentavelant Vaccine panlaban sa kumakalat na pertussis.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng LGU ang mga residente na sundin ang tamang respiratory hygiene lalo na kapag umuubo, at ugaliin pa rin ang tamang pag-iingat gaya ng regular na paghuhugas ng kamay.

Para sa mga may anak na sanggol pa, iwasan munang dalhin ito sa matataong lugar.

Hinikayat din ang mga may sintomas ng ubo na agad magpakonsulta sa pinakalamalapit na health center, magsuot ng face mask at huwag munang lumapit sa mga sanggol.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with