^

Bansa

Senado hinimok aprubahan prangkisa ng power firm

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga residente ng Central Negros sa Senado na tapusin na ang kanilang paghihirap sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa pamamagitan nang pag-apruba sa prangkisa ng kumpanyang sasalo sa distribusyon ng kuryente sa lugar.

Sa kanilang joint statement sa Senate Committee on Public Services, hiniling ng community associations ng Bacolod City, Negros Occidental na aprubahan ang Congressional franchise ng Negros Electric and Power Corporation (NEPC).

Sa pagdinig ng prangkisa, tiniyak naman ni Sen. Grace Poe, chairperson ng komite, na walang dapat ipag-alala ang mga tauhan ng Central Negros Electric Cooperative (Ceneco) dahil lahat ay makikinabang sa sandaling maisaayos ang serbisyo ng kuryente.

Kasabay nito, iginiit din ng homeowners-consumers ang kanilang pagkadismaya sa palpak na serbisyo ng Ceneco na labis na nakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sinabi ni Jesben Duday, chairperson ng Parents of Purok Riverside Inc., ipinagkait sa kanila ang maaasahang power supply at epektibong serbisyo sa loob ng ilang dekada sa kabila ng regular nilang pagbabayad ng electric bill.

Sinabi naman ni Julie Alob, Chairperson ng Banago Yuhom Takers Association na binalikat nila ang bigat sa bayarin sa system loss.

Napapanahon na anila na isailalim sa rehabilitasyon­ ang imprastraktura ng ­Ceneco at tanging isang pribadong distribution utility ang may sapat na kakayahang pinansyal, teknikal at managerial expertise para gawin ito.

vuukle comment

FIRM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with