^

Bansa

Captain's Peak Resort gagawa ng 'eco-friendly' initiatives habang nakasara

James Relativo - Philstar.com
Captain's Peak Resort gagawa ng 'eco-friendly' initiatives habang nakasara
Litrato ng The Captain’s Peak Garden and Resort Bohol sa gilid ng Chocolate Hills
Released/The Captain’s Peak Garden and Resort Bohol

MANILA, Philippines — Susunod ang isang kontrobersyal na resort sa temporary closure order na ibinaba ng gobyerno habang tinitiyak na gagawa ng mga hakbang para sa "sustainability" sa paanan ng Chocolate Hills ng Bohol, bagay na kilalang protected area.

Ayon sa isang ulat, sinabi ng Captain's Peak Garden and Resort na tatalima na sila inilabas na kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noon pang Setyembre 2023.

"In accordance with the directives from the [DENR],  Captain's Peak and Garden Resort will be temporarily closed for maintenance and environmental preservation efforts," sabi nila Miyerkules ng gabi.

"During this closure, we will be implementing various eco-friendly initiatives to further the sustainability of our resort."

Napilitang maglabas ng pahayag DENR kahapon tungkol sa resort matapos nag-viral online ang nga swimming pool at slide nito sa gilid ng naturally occuring geological formation, dahilan para ikatakot ang pagkasira ng naturang "protected area."

Isinara pansamantala ng DENR ang lugar matapos mag-operate nang wala man lang Environmental Compliance Certificate.

Inilinaw din ng Department of Tourism (DOT) na walang akreditasyon sa kanila ang establisyamento at hindi man lang nag-apply para rito.

"We are committed to upholding the highest standarda of environmental stewardship and ensuring the preservation of the natural beauty that surrounds us," dagdag pa ng resort.

"We apologize for any inconvenience this may cause and appreciate your understanding and support as we work towards a greener, more sustainable future for Captain's Peak and Garden Resort."

Sagbayan mayor dumepensa

Dumepensa rin ang tanggapan ni Sagbayan Mayor Restituto Suarez III sa hindi pagharang sa operasyon ng resort.

"Kahapon lang namin nalaman na meron pa lang temporary closure order ang DENR. Kasi walang binibigay sa amin na furnished copy ng temporary closure order," ani Felito Pon, executive secretary ng Office of the Sagbayan Mayor ngayong Huwebes sa panayam GMA News.

"Kung alam namin 'yung temporary closure order ay sa application for renewal ay hindi na po mare-renew."

Ilang netizens ang pumuna sa hindi pagsunod ng resort sa temporary closure order noon pang nakaraang taon. Ang matindi pa, dito inilunsad ang 2024 Bohol Provincial Meet Swimming Competition.

Kamakailan lang nang lumabas ang litrato ni Carmen, Bohol Mayor Che Toribio sa tarpaulin ng naturang event sa kabila ng temporary closure order.

BOHOL

CHOCOLATE HILLS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

RESORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with