MANILA, Philippines — Nagbago ng isip si Sen. JV Ejercito at hindi na haharangan ang contempt order at pagpapaaresto sa religious leader na si Apollo Quiboloy, ito matapos mapag-alamang itutuloy ng Department of Justice (DOJ) ang ilang kaso laban sa pastor.
Inilinaw ito ni Ejercito, Huwebes, matapos unang mapangalanan ni Sen. Robinhood Padilla bilang kasama sa limang senador na tutol sa contempt order laban kay Quiboloy bunsod ng hindi pagdalo sa mga pagdinig ng Senado kaugnay ng pang-aabuso.
Related Stories
"After thoughtful contemplation, I would like to respectfully inform you of my intention to withdraw my signature affixed in the document objecting against the contempt order directed towards Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy," sabi ng senador ngayong araw.
"Serious allegations of rape during the last committee hearing of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality have prompted me to carefully review the facts, witness testimonies and additional information."
Official statement on the reversal of the contempt citation vs Pastor Apollo Quiboloy: After careful review of the facts, witness testimonies, & additional information, such as the allegations of rape during the last committee hearing, I’ve decided to withdraw my signature today. pic.twitter.com/btMLZZKL9g
— JV Ejercito (@jvejercito) March 7, 2024
Nais harangin nina Padilla, Sen. Imee Marcos, Sen. Cynthia Villar at Sen. Bong Go ang pagpapa-cite in contempt at pagpapa-aresto kay Quiboloy sa ngalan ng "separation of church and state." Sobra-sobra rin daw aniya kung pagtutulungan ng DOJ, Senado at Kamara ang religious leader.
Paglilinaw pa ni Ejercito, nakarating din sa kanya ang impormasyong magpu-pursue ng sexual abuse at qualified trafficking charges kung kaya't nagbago ang isip.
"This brought me to the decision to withdraw my signature," dagdag pa niya.
"The public hearing of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality is a venue for the Pastor to clear his name. I believe that our Committee Chairperson will facilitate a fair and impartial proceeding."
Taong 2022 pa nang maibalitang wanted sa U.S Federal Bureau of Investigation (FBI) si Quiboloy dahil sa kanilang diumano'y sex trafficking sa loob KOJC — ang ilan pa raw sa mga biktima ay menor de edad.
'Dahil sa procedural practicality'
Paliwanag pa ni Ejercito, una niyang napag-isipang lumagda sa objection letter ni Padilla bilang konsiderasyon sa "procedural practicality" lalo na't itinutulak na raw ng DOJ ang mga kaso.
Sa kabila nito, lumabas daw sa kanyang mga konsultasyong may malalakas na "precedent" na nagpapakitang maaaring imbestigahan sa Senado ang mga gumugulong na kaso.
Kasalukuyang nagtatago si Quiboloy matapos ipa-subpoena ng Senado at Kamara, ang huli ay kaugnay naman ng diumano'y pang-aabuso ng kanyang Sonshine Media Network International (SMNI) sa prangkisa nito.
Bukod pa ito sa diumano'y banta sa kanyang buhay, lalo na't gusto raw siyang ipa-"kidnap" at "ipapatay" ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabwat ng FBI at Central Intelligence Agency.
Tinawanan lang ni Bongbong ang paratang ng "Appointed Son of God," at sa halip ay hinimok siyang umarap sa Konggreso upang maipaliwanag ang kanyang panig.