^

Bansa

Problema sa kuryente sa Negros Occidental inaasahang matutuldukan na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Central Negros Electric Cooperative o CENECO na malulunasan na ang problema sa power outages sa Negros Occidental sa sandaling magtakeover ang bagong power corporation.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, sinabi ni Atty. Arnel Lapore, general manager ng CENECO na sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtaas ng kanilang pagkalugi habang nagpapatuloy din ang pagdag­dag ng demand sa kur­yente dahil sa lumalakas na ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Lapore na ang nakikita nilang sagot sa problema ng CENECO ay ang joint venture sa Negros Electric and Power Corp o NEPC na handang maglagak ng P2.1 billion para sa mga imprastraktura at pasilidad sa sandaling mag-takeover sila.

Kung magpapatuloy anya ang kasalukuyan nilang sitwasyon ay magiging malaki itong hamon sa kooperatiba habang patuloy silang nalulubog sa pagkalugi at bababa ang kalidad ng kanilang serbisyo.

Kasabay nito, tiniyak ni Lapore na hindi madedehado ang mga empleyado ng CENECO sa pagtakeover ng NEPC dahil bibigyan sila ng magandang separation packages.

Tiniyak naman ni NEPC President Roel Castro na bibigyan nila ng prayoridad sa hiring ang mga empleyado ng CENECO at katunayan nasa 250 nang manggagawa nito ang nag-apply sa kanila.

Sa pagharap sa pagdinig ng Senado para sa kanilang prangkisa, tiniyak din ni Castro ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga consumer ng Negros lalo pa’t dumarami ang mga negosyo sa lalawigan.

Nanawagan naman si Wennie Sancho, secretary general ng Power Watch Negros Advocates sa Kongreso na agad nang aprubahan ang prangkisa ng NEPC upang matapos na ang paghihirap ng mga residente, mga negosyante at mga turista sa Negros.

Samantala, sinabi ni Poe na ang pagkakaroon ng pangkisa ay isang pribilehiyo at kalakip ito ang malaking responsibilidad na magbibigay serbisyo sa publiko.

CENTRAL NEGROS ELECTRIC COOPERATIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with