MANILA, Philippines — Nag-alok si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy ng P1,000 reward sa kung sinuman ang makakahanap sa kanya para makadalo sa pagdinig ng Kongreso.
Ang alok ni Quiboloy ay ginawa matapos ilabas ang subpoena para siya ay dumalo sa pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay sa mga reklamong iniharap sa kanya ng dating mga miyembro.
“I will give you a puzzle regarding my location. If you will be able to solve it, I will give you P1,000 as a reward,” sinabi pa ni Quiboloy sa isang tape message.
Nauna na rin sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring maharap sa mas malaking problema si Quiboloy kapag tumanggi siyang dumalo sa pagdinig ng kongreso.
Habang nagbabala na rin ang kaibigan nito na si dating pangulong Rodrigo Duterte na posibleng arestuhin kapag hindi dumalo sa mga pagdinig.
Tila nagbigay naman ng clue sa pamamagitan ng isang tula si Quiboloy sa kung saan siya naroroon,“Ako’y nakakubli hindi kalayuan dito. Kuta ko’y puro bato, laksa-laksang pula at itim na langgam, handang ipagtanggol ako sa mga manlulupig na mga tao, kano man o kalahi ko,.
Nauna naman hinamon ni Quiboloy ang mga mambabatas na nagsasagawa ng imbestigasyon na kasuhan siya sa korte at huwag siyang gamitin sa pulitika.