^

Bansa

Mga daga, surot sa NAIA ikinabahala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mga daga, surot sa NAIA ikinabahala
This undated photo was taken at the Ninoy Aquino International Airport.
Philstar.com / Anjilica Andaya

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang Kamara hinggil sa umano’y mga surot at daga sa Ninoy Aquino International Airport Terminals 2 at 3 na ikinagulantang ng mga pasahero.

Ayon kay si OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, ang insidente ng mga surot at daga ay nakadagdag pa sa patuloy na problema sa congestion o siksikan sa loob ng paliparan at ang mabagal na daloy ng trapiko sa paligid nito.

“Ang mga isyung ito ay hindi lamang nagdudulot ng abala sa ating mga kababayan, kundi pati na rin sa imahe ng ating bansa sa pandaigdigang komunidad,” pahayag ni Magsino na kinalampag ang Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ni Magsino na bagaman nagsasagawa na ng komprehensibong inspeksyon ang DOTr at Manila International Airport Authority (MIAA) sa buong pasilidad para sa sanitasyon ng paliparan ay dapat panatilihin ang kalinisan upang hindi na maulit pa ang insidente.

Imungkahi rin ng lady solon sa mga ahensya ang pagsasagawa ng malalim na pag-aaral kung ano ang contributing factors sa matinding congestion at pagkakaantala sa loob ng airport, lalo ang pila sa immigration at halos hindi gumagalaw na trapiko paikot sa NAIA 3.

“Hindi ba’t pabalik-balik ang problemang ito? Bakit wala pa rin pangmatagalang solusyon?,” tanong ni Magsino.

Binigyang diin nito na ang paliparan ng bansa ay hindi lamang gateway sa industriya ng turismo kundi maging sa labor migration.

DOTR

NAIA

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with