^

Bansa

Taas-singil sa PhilHealth, binubusisi pa ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Taas-singil sa PhilHealth, binubusisi pa ng Palasyo
Individuals continue to avail services as face-to-face operations and transactions continue at the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) in Quezon City on September 26, 2023.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hirit na ipatigil ang pagtataas ng kontribusyon sa Philippine Health ­Insurance Corp. (PhilHealth).

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na wala pang desisyon si Pangulong Marcos sa apela ng Department of Health (DOH) na suspendihin ang 5% adjustment sa ­kontribusyon sa mga miyembro ng ­PhilHealth.

Paliwanag ni PCO Secretary Cheloy Garafil, patuloy pa rin pinag-aaralan ng Pangulo ang tungkol dito.

Nais anya ng Presidente na makasiguro na ang anumang pagtataas sa PhilHealth premium ay makadaragdag din sa mga benepisyo at coverage ng mga miyembro.

Magugunita na ­hiniling ni Health Sec. Ted ­Herbosa na ipagpaliban ang taas-kontribusyon para mabawasan ang kalbaryo ng mga miyembro sa mahal na presyo ng mga bilihin.

Giit pa ng kalihim, hindi naman ito ikalulugi ng state health insurer dahil may sapat pa itong pondo para tustusan ang pagbibigay benepisyo sa mga miyembro.

Ang pagtataas sa rate ng PhilHealth ay base sa isinasaad ng Universal Health Care (UHC) Law.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with