^

Bansa

Pag-dub ng English movies sa Tagalog, ipagbawal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pag-dub ng English movies sa Tagalog, ipagbawal
Binibigyan naman ng kapangyarihan ang Movie and Television Review and Classification Board na huwag isama ang mga TV program kung makakasagabal ito sa mithiin ng ahensya.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sa pangambang baka humina sa English ang ating mga kababayan partikular na ang mga estudyante, isinusulong ng isang mambabatas sa Kamara na ipagbawal ang pagda-dub ng pelikulang English at television programs sa lengguwaheng Pinoy.

Si Negros Occidental 3rd District Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez ay naghain ng House Bill (HB) 9939 na ipagbawal sa Pilipinas ang pagda-dub ng English motion pictures at maging ang mga television program sa Pilipino na tila nauuso sa kasalukuyan at tinatangkilik ng mga manonood maging ang mga millennial.

Ayon kay Benitez, ang English ay ikalawang lengguwahe sa bansa at malaki ang maitutulong sa pakikipag-komunikasyon sa maraming bahagi ng mundo kaya’t dapat higit pang pagbutihin ang kakayahan sa pagsasalita ng English ng mga Pilipino.

“We must therefore help younger generations acquire English in different settings, and through ­different media, to enable them to communicate better and explore new horizons”, ayon sa solon dahilan malaki ang maitutulong nito sa paghahanap ng trabaho at pakikipagkomunikasyon lalo na sa mga banyaga.

Sa panukalang batas ni Benitez, pinahihintulutan naman ang subtitle na Pilipino sa mga English movies at programa pero dapat ay manatili pa rin ang titulo nitong English.

Ang mga TV commercial at programs na mapapanood mula ala-1 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga sa standard time ng bansa ay libre o hindi saklaw sa nasabing mga pagbabawal.

Ang mga lalabag sakaling maisabatas ang panukala ay magmumulta mula P50,000-P100,000 at makukulong ng mula anim na buwan hanggang isang taon.

Binibigyan naman ng kapangyarihan ang Movie and Television Review and Classification Board na huwag isama ang mga TV program kung makakasagabal ito sa mithiin ng ahensya.

BENITEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with