^

Bansa

Kaso vs Duterte dahil sa 'independent Mindanao' campaign? DOJ magdedesisyon

James Relativo - Philstar.com
Kaso vs Duterte dahil sa 'independent Mindanao' campaign? DOJ magdedesisyon
Supporters of Philippine lawmaker France Castro hold a noise barrage before the preliminary investigation of her grave threat complaint filed against former Philippine President Rodrigo Duterte outside the Prosecutor’s Office in Quezon City, Metro Manila on December 4, 2023.
AFP/Earvin Perias

MANILA, Philippines — Nasa kamay na raw ng Department of Justice (DOJ) kung papatawan ng reklamong "treason" o "sedisyon" si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa panawagang ihiwalay sa Pilipinas ang Mindanao.

Ito ang inilinaw ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa isang press briefing ng Presidential Communications Office.

"It's up for DOJ to study these things and from there, we can get possible action," wika ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa media ngayong Martes.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ilatag ni Duterte ang naturang layunin. Aniya, banas na ang dating pangulo sa kakulangan ng pag-unlad sa Mindanao kahit lang presidente na ang nagdaan.

Pagtitiyak pa niya, kayang-kayang tumayo ng Mindanao sa sariling paa dahil sa hitik ito sa likas-yaman.

Una nang sinabi ni Digong na "hindi ito rebelyon," lalo na't may ligal proseso raw na pwedeng gawin para maisakatuparan ito sa ilalim ng United Nations — ang pangangalap ng pirma ng mga taga-Mindanao.

"Well, it's up for the Department of Justice to analyze these things," wika naman ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr.

Constitutionality at loyalty ng PNP

Ani Abalos, malinaw na paglabag sa 1987 Constitution ang gusto ni Duterte lalo na't malinaw aniya sa Saligang Batas kung anu-ano ang nasasakupan ng bansa.

"Well napaka-simple niyan eh. Ang linaw sa konstitusyon, nakalatag kung ano ang Pilipinas. Kung gaano kalaki ito, ano ang isla ang kasama rito. Kung merong gagawa at paghihiwalayin ito, alam naman natin na it's a violation of the constitution," sabi niya.

"It's the dismemberment of the republic. Napakalinaw sa ating konstitusyon, naka-define ang ating territory, 'yung ating sovereignty. We should always be one nation, united and undivided."

Kamakailan lang palagan ng sari-saring lider ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kagustuhan ni Duterte, lalo na't umuusad na raw ang kapayapaan sa kanilang rehiyon sa pamamagitan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Dagdag pa ni Acorda, parte na ng trabaho ng PNP ang pagtitiyak ng loyalty checks at counter-intelligence sa kanilang hanay ngayong inilulutang ang ganitong panawagan.

"Ngayon na natitikman na natin ang kapayapaan, as of now kinakausap ko sila, sabi nila, 'Let's not go back to those days. Let's give peace a chance.' I think what we have now, maganda na ito. I don't think na guguluhin pa 'yung sitwasyon," ani Acorda na tubong Mindanao.

"Now my take is that, when we took our oath as police officers, or even in the positions, part of it is in upholding the rule of law and constitution. So talagang trabaho namin 'yan."

Kamakailan lang din nang palagan ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa dahilang makaaapekto raw ito sa ekonomiya. Hinindian din ito ni dating Sen. Panfilo Lacson.

Pagtakas sa ICC?

Ilang araw pa lang nang kastiguhin ni Kabataan Rep. Raoul Manuel ang panukala ni Digong, lalo na't maaari raw gamitin ni Duterte ang Mindanao upang makatakas sa pag-uusig ng International Criminal Court.

Nangyayari ang lahat ng ito habang nagbabatuhan ng maaanghang na salita sina Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Matatandaang pinaratangang "adik" ni Duterte si Marcos.

Kasalukuyang humaharap si Duterte sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng "crimes against humanity" matapos mapatay ang mahigit 6,000 hanggang 30,000 kaugnay ng madugong gera kontra droga. 

Ilan sa mga napatay dito ay una nang napatunayang inosente o plinantahan ng ebidensya.

BENHUR ABALOS

BONGBONG MARCOS

DILG

MINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

SEDITION

TREASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with