NSC, governors pumalag sa paghihiwalay ng Mindanao

MANILA, Philippines — Tutol ang National Security Council (NSC) at ilang mga governor sa Mindanao region sa pag­hihiwalay ng Mindanao sa bansa dahil sa rin sa posibilidad na makaapekto sa pag-unlad at peace and order sa lugar.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, kailangan na agad na tutulan ang anumang mga  aksiyon sa paghahati-hati ng bansa matapos na itulak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang  paghihiwalay at pagiging independent ng Mindanao.

Ani Año, hindi naman sila magdadalawang-isip na gamitin ang puwersa ng pamahalaan laban sa mga nais na hatiin ang Pilipinas.

“Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity of the national territory,” ani Año.

Nagsilbing kalihim ng DILG at Armed Forces of the Philippines (AFP) si Año ng Duterte Administration.

Una na ring tinututulan ni Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. ang nasabing panawagan ni Duterte.

Show comments