^

Bansa

Panibagong international cruise ship dumaong sa ‘Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maagang pinaghandaan ng pamunuan ng Philippine­ Ports Authority (PPA) katuwang ang iba pang mga ahen­sya ng pamahalaan ang pagdaong sa bansa ng isa pang international cruise ship na Resorts World One.

Ito’y upang masiguro na ligtas at maayos ang pagdaong ng nasabing barko nitong Martes, Enero 23, 2024 sa Manila South Harbor.

Gaya ito ng naging aksyon ng PPA sa mga naunang international cruise ship na dumaong sa bansa ngayong Enero -- ang MV Vasco Da Gama at MV Westerdam.

May sakay ang Resorts World One na 1,620 pasahero at higit 1,000 crew galing Hong Kong at dumating sa Maynila dakong alas-10 ng umaga.

Matapos ang sightseeing ng mga dayuhang turista sa mga tourist destination, nakatakda rin itong magtungo sa Boracay sa parehong araw.

Ito na ang pangatlong cruise ship na dumaong sa Manila South Harbor para sa isang transit call.

Ayon sa PPA, ngayong 2024 ay humigit-kumulang 70 pang cruise ship arrival ang inaasahan sa mga pantalan ng Pilipinas.

Umaasa ang PPA na madadagdagan pa ito at mahi­higitan ang nasa 160 cruise vessel na dumaong sa Pili­pinas noong 2023.

RESORTS WORLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with