PDLs gumagawa ng hollow blocks sa penal farm
MANILA, Philippines — Malaking tulong sa persons deprived of liberty (PDLs), dagdag kita at ambag din sa Bureau of Corrections (BuCor) ang paggawa ng hollow blocks sa loob ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro na bahagi ng programa ng ahensya na “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas.”
Sa ulat kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ni SPPF Superintendent Robert Veneracion na sa taong ito ang SPPF ay napag-prodyus ng nasa 90,000 piraso ng hollow blocks na may-ibat-ibang sukat at laki, na gagamitin para sa pagsasaayos ng mga kasalukuyang pasilidad.
Sa taong ito, ang layunin ng Concrete Hollow Blocks (CHB) Making Project ay para makatipid sa halip na bumili para sa konstruksyon sa loob ng piitan at pambenta para sa mga kalapit na barangay sa planong pang-negosyo.
Plano din ng SPPF na madagdagan ang CHB making machine para mas marami ang mai-prodyus.
Nakatuon ang programang ito sa pagsasanay sa mga PDL sa paggawa ng CHB na malawakang ginagamit sa industriya ng konstruksiyon at nakakapag-ambag sila sa pagkukumpuni at pagtatayo ng mga pasilidad ng bilangguan habang nagkakaroon ng kita para sa SPPF.
- Latest