MANILA, Philippines — Inamin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagdinig sa Senado na edited nga ang inilabas nilang mga larawan ng mga nananalo sa lotto nitong mga nakalipas na araw.
Sa pagdinig, sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na mismong ang mga winners ang may gusto na itago ang kanilang mga mukha at suot na damit kaya pinapalitan nila ng suot ng damit ang mga winners upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.
NIlinaw pa ni Robles, ginawa nila ito matapos na magreklamo ang isang lotto winner na nakilala siya sa post ng PCSO dahil sa kanyang suot na damit.
Sa kabilang banda, humingi naman ng paumanhin ang PCSO official sa kanilang ‘poorly editing skills’ kasabay ng pagtiyak na lehitimo o totoo ang mga nanalong tumaya sa lotto.