MANILA, Philippines — Walang pasok sa buong Maynila sa susunod na linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, ayon sa bagong proklamasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sa kanyang Proclamation 434 na pinirmahan ngayong Huwebes, idineklarang special (non-working) day ang ika-9 ng Enero sa naturang lungsod.
Related Stories
"[It] is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration," ayon sa proklamasyong nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
"NOW, THEREFORE, I, LUCAS P. BERSAMIN, Executive Secretary, by authority of the President, FERDINAND R. MARCOS, JR., do hereby declare Tuesday, 09 January 2023, a special (non-working) day in the City of Manila."
#walangpasok Malacañang declares January 9, a special (non-working) day in the city of Manila @News5PH pic.twitter.com/gVNAgfWa2R
— Maricel Halili (@halili_maricel) January 4, 2024
Tuwing special (non-working) day, ipinatutupad ang prinsipyong "no work, no pay" maliban na lang kung may umiiral na mas mainam na company practice o collective bargaining agreement na nagpapahintulot sa dagdag na bayad.
Gayunpaman, sinumang papasok sa araw na ito ay makakukuha ng dagdag na 30% ng kanilang basic wage para sa unang walong oras.
Para sa mga magtratrabaho nang higit dito, makakukuha sila ng dagdag 30% ng kanilang hourly rate.
Kung sakaling araw ng pahinga ng isang empleyado ang naturang araw, kinakailangan silang bayaran ng dagdag 50% ng kanilang basic wage sa unang walong oras ng trabaho.
Meron namang dagdag 30% ng hour rate ang mga empleyadong mag-o-overtime sa araw ng kanilang pahinga.
Ito ang unang beses na magsasagwa ng Traslacion ang Simbahang Katolika sa loob ng tatlong dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic — bagay na nakahawa na sa 4.13 milyon at pumatay sa 66,836 katao sa Pilipinas.
Hindi gaya ng dati, ilalagay sa loob ng salamin ang Black Nazarene para na rin maproteksyunan ang mahigit 400 taong imahe laban sa pinsala.
Mananatili namang bukas ang maliit na bahagi ng krus nito para sa mga debotong nagnanais itong mahawakan.
Pinaniniwalaan nang maraming mananampalatayang milagroso at nakagagaling ng mga sakit ang imahen, bagay na siyang dinudumog ng milyun-milyon taun-taon.