^

Bansa

CSC kinilala mga lingkod bayan na modernong mga bayani

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang pagkilala ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno dahil sa kanilang dedikasyon at kabayanihan na patuloy na naglilingkod ng may integridad sa kabila ng kahirapan.

Sa year end message ni Nograles sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno, binanggit nito kung paano nalampasan ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang larangan ang bawat krisis na may matatag at matibay na diwa na tumutukoy sa mga Pilipino.

“Mula sa mga healthcare workers na nagtatrabaho nang walang kapaguran upang magligtas ng mga buhay, sa mga guro na nagmumulat ng kaisipan ng mga kabataan, sa mga inhinyero na nagtatayo ng mga tulay na nagdadala sa atin nang mas malapit sa isa’t isa, at sa mga social workers na nagbibigay gabay sa mga komunidad—each one of them embodies what it truly means to be a lingkod bayani,” ani Nograles na pinasalamatan ang mga lingkod bayan.

Hinikayat din ni Chairperson Nograles ang 1.9 mil­yong lingkod-bayan sa buong bansa na yakapin ang diwa ng Pasko at salubungin ang nalalapit na Bagong Taon hindi lamang sa pamamagitan ng maligayang pagtitipon kundi gayundin sa pagtupad sa moral na obligasyon na iangat ang buhay ng mga mahihirap.

Nananatiling optimistiko si Nograles na ang mga empleyado ng pampublikong sektor ay patuloy na magtatrabaho nang may kahusayan, integridad, at pagmamahal sa bansa upang bumuo ng isang pamana ng mabuting pamamahala para sa mga susunod na henerasyon.

vuukle comment

CSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with