^

Bansa

2024 national budget kukwestyunin sa SC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2024 national budget kukwestyunin sa SC
Pinipirmahan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang General Appropriations Act (GAA) of 2024 o national budget sa Ceremonial hall ng Malacañang Palace noong Disyembre 20, 2023. Ang 2024 budget ay nagkakahalaga ng P5.768 Trillion.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ang pagkwestyon sa Korte Suprema sa nilagdaang P5.768 trillion pambansang budget para sa susunod na taon ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, ongoing ang ginagawang legal na pag-aaral para kwestyunin sa Supreme Court (SC) ang constitutionality ng kapapasa pa lang na pambansang pondo sa susunod na taon.

Kung matatandaan, sinita na ni Pimentel ang paglobo ng unprogrammed funds mula sa P281 billion na orihinal na hiling ng ehekutibo dahil bigla itong tumaas sa P730 billion o nadagdagan pa ng P450 billion nang isalang sa bicam.

Naniniwala rin ang Minority leader na nilalabag dito ang constitutional provision na nagsasaad na hindi pwedeng dagdagan ang appropriation na inirerekomenda ng ehekutibo, subalit ang maaari lamang ay tap­yasan, ilipat o panatilihin ang alokasyon.

Dahil umano sa malaking dagdag sa pondo ay lumalabas na lagpas na sa P5.7 trillion ang pambansang pondo at kung susumahin ito ay nasa P6.4 trillion na ngayon.

Ayaw naman magkomento ni Pimentel sa pagkakalagda ng ­Pangulo sa 2024 budget at aniya’y prerogative ito ng Presidente tulad ng isang mamamayan na may karapatan ding kwes­tyunin ang constitutionality ng budget law.

NATIONAL BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with