^

Bansa

Pagsunog sa mga nasabat na illegal drugs itinutulak sa Kamara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Committee on Dangerous Drugs chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang agarang pagsusunog sa mga nakumpiskang illegal drugs upang maiwasan ang recycling ng mga ito.

Sa panukala ni Barbers na Prompt Dangerous Drugs Destruction Act (House Bill 9668), nakasaad na pinapayagan nang sunugin ang mga iligal na droga sa mga inci­neration facilities kasama ang mga crematorium.

Ayon kay Barbers, hindi maiaalis na mayroong mga nagkakaroon ng interes habang ang iligal na droga ay nasa kustodiya pa ng mga alagad ng batas at hindi pa nasisira.

Sa ilalim ng panukala, ang mga crematorium facility na lalahok sa programa ay bibigyan ng tax incentives.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naman ang pipili ng gagamiting cremato­rium facility sa pagsunog ng iligal na droga at bibigyan ng prayoridad ang malapit sa korte na may hawak ng isinampang kaso.

Ang pagsira ay sasaksihan ng tauhan ng PDEA, isang halal na opisyal ng gobyerno, kinatawan ng National Prosecution Service, media, at civil society group.

Inaatasan naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maglabas ng guidelines sa gagawing pagsunog upang hindi ito maka­dagdag sa polusyon.

HOUSE COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with