MANILA, Philippines — Maituturing na isang “true patriot” si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Ganito inilarawan ni dating Deputy Speaker at Buhay partylist Lito Atienza si Ninoy sa kanyang ika-91 kaarawan kahapon.
“While in exile, he was aware of the threats to his life if he came home. But the patriot in him could not bear to stay away while his countrymen suffered. So he left his beloved family and came back,” dagdag pa nito.
Dapat umanong magpasalamat tayo sa taong binigay ang kanyang buhay para sa bayan para bumalik ang demokrasya at kalayaan.
Matatandaan na ang pagpaslang kay Aquino ang nagsindi ng 1986 EDSA people power revolt na nauwi sa pagpapatalsik sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.