Bill sa kapakanan ng mga buntis, sanggol suportado ni Rep. Villar

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar na susuportahan niya ang mga panukalang batas sa Kamara para sa kapakanan at kagalingan ng mga buntis maging sa kanilang mga sanggol kaugnay ng katatapos na 2023 National Buntis Assembly kama­kailan.

“You can rest assured that I personally will work conscientiously to advance laws and policies that will ensure quality nutrition and healthcare for infants, and uplift maternity and neonatal services to ensure an environment for child survival, safety, and protection,” pahayag ni Villar sa kaniyang talumpati sa nasabing event na ginanap sa Starmall Trade Hall.

Si Villar ay isa sa nag­hain ng House Bill (HB) 5684 na naglalayong ipag­bawal sa alinmang mga health institusyon, hospital o maternity lying-in na tumangging tanggapin at tulungan ang mga inang manganganak.

Ang lady solon ay nagbibigay rin ng pinansiyal at ayudang medical sa mga mahihirap na buntis na mga kababaihan sa panahon ng kanilang pagbubuntis.

Pinuna ni Villar na base sa pag-aaral ng DOH Field Health Service Information System noong 2022 ay hindi nakamtan ng gobyerno ang target nitong infant mortality rate na 10.36 o 15 kada 1,000 na isinisilang; maternal mortality rate na 64.68 o 70 sa 100,000 live births at adolescent birth rate na nasa 24.36 sa 37 kada 1,000 kababaihan na nagkakaedad 15-19 anyos.

Show comments