^

Bansa

Marcos Jr. pipili na ng bagong PNP chief

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Marcos Jr. pipili na ng bagong PNP chief
Philippines Presdient Ferdinand Marcos Jr delivers remarks during the Philippines 123 Signing Ceremony during the Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Week in San Francisco, California, on November 16, 2023. The APEC Summit takes place through November 17.
AFP / Frederic Brown Jr.

Acorda magreretiro na..

MANILA, Philippines — Nakatakda nang magretiro sa susunod na linggo si Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., kaya nasa proseso na ng pagpili ng papalit dito si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ang sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos  upang matiyak na magtutuluy-tuloy ang kampanya ng PNP laban sa iba’t ibang kriminalidad at paglilinis ng hanay nito.

Kabilang sa mga pinagpipilian sina Director for Community Relations Maj Gen. Edgar Allan Okubo, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major Gen. Romeo Caramat Jr. , National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.; at Police Major General Emmanuel Peralta, chief Directorial Staff.

Sa kanyang pagdalo sa 2023 ADAC Performance Awards sa Crowne Plaza sa  Quezon City, sinabi ni Abalos na magagaling ang mga nasabing opisyal kaya nasa Pangulo na ang desisyon.

Ani Abalos, maganda ang performance ng PNP ngayon dahil bumababa ang criminality habang tumataas ang huli sa droga. Kailangan ng publiko ang performer on the ground.

Hindi naman ibinunyag ni Abalos ang kanyang inirekomenda subalit sinabi nito na isa ito sa mga mahuhusay subalit tahimik na opisyal sa PNP.

Magreretiro si Acorda sa Disyembre 3.

BENJAMIN ACORDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with