7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima
MANILA, Philippines — Ilan pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.
Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahaag ng kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206:
* Germa Agoyo
* Tomas Doñina
* Jaime Patcho
* Wu Tuan Yuan (alyas Peter Co)
* Engelberto Durano
* Jerry Pepino
* Hans Anton Tan
Aniya, ipinapahiwatig nila ang kagustuhang mag-"recant" matapos makaranas ngmatinding pagbabanta.
"At this point, we would like to state that our participation as witnesses in the drug cases against former DOJ (Department of Justice) Secretary De Lima was vitiated by undue compulsion and influence, and thus, any judicial statement made by us, is void of lack of consent," sabi ng pito sa nilagdaang liham nitong ika-17 ng Nobyembre.
"We no longer desire to live our lives with the knowledge that we allowed ourselves to become pawns or instruments of injustice. We wish to live a life of dignity, integrity, and responsibility moving forward."
Sa kabila nila, wala silang pinangalanan na pumwersa sa kanila para idiin ang dating mambabatas.
Aniya, isa ang pananaksak sa New Bilibid Prison noong 2016 sa mga patunay na humarap sila sa matinding peligro.
"Proof that such threat to our lives was real and imminent was the stabbing incidents that transpired at the NBP premises in September 2016 resulting in the actual death of one [person deprived of liberty], and
seriously injuring several others," paliwanag pa nila.
Nagpapalipat na ngayon ang mga naturang inmate-witnesses mula Sablayan Prison and Penal Farm patungo sa ibang pasilidad.
Bago payagang makapagpiyansa ni Judge Gener Tito ng Muntinlupa RTC Branch 206 noong ika-13 ng Nobyembre, halos pitong taong nakulong si De Lima.
Una na siyang naabswelto sa dalawa sa tatlong kaso, bagay na kaugnay din ng iligal na droga.
Ilan sa mga naunang recantations ng ilang testigo sa mga kaso ni De Lima ay ginawa matapos isiwalat na "pwinersa at tinakot" sila ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Itinatanggi ng kalihim ang paratang.
Si Aguirre ay tumayong kalihim noon ng Department of Justice sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kilalang kritiko ng madugong gera kontra droga at "human rights abuses" ng dating presidente si De Lima.
Oktubre lang din nang bawiin nina Rodel Magleo at Nonino Arile ang kanilang mga paratang kay De Lima matapos "makonsensya." — may mga ulat Laqui mula kay Ian Laqui
- Latest