CSC kinilala partner agencies sa tagumpay ng ika-123 PCSA

MANILA, Philippines — Binigyang pagkilala ng Civil Service Commission (CSC) ang mga katuwang na ahensya nito na tumulong na matiyak ang tagumpay ng ika-123 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) sa ginanap na Appreciation Program for PCSA Key Partners na ginanap sa CSC Resource Center na matatagpuan sa Quezon City kamakailan.

Sa nasabing okasyon ay ipinaabot ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang kaniyang pasasalamat at binanggit nito na ang nasabing programa ay nagsisilbing isang lugar upang pahalagahan ang pakikipagtulungan at pagtutulungan na binuo tungo sa iisang layunin.

“Kung gaano kabigat ang ating trabaho araw-araw bilang lingkod bayan, higit na mahirap manghikayat ng daan-daang ahensya at tanggapan ng pamahalaan mula sa iba’t ibang probinsya, lungsod, at munisipalidad sa bansa na makilahok sa ating mga aktibidad para sa pagdiriwang ng PCSA ngayong taon”, ani Nograles.

“This difficult task required the concerted efforts of multiple stakeholders, and you, our partners, have been indispensable in helping us achieve this mission. Kaya maraming maraming salamat sa inyong suporta at kooperasyon,” giit ng opisyal.

Kabilang sa mga partner agencies na kinilala ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas, BIR, GSIS, Philippine Information Agency, Insurance Commission, Philippine Blood Center, Dr. Jose  Rodriguez Memorial Hospital, Jose Lingad Memorial General Hospital, DOH, Philippine Dental Association, Baguio City Health Services Office, at ang National Commission for Culture and the Arts.

Partikular na pinasalamatan din ng CSC ang SM Appliance Center, SM Supermalls, SM Foundation, JobStreet by SEEK, MX3 Philippines, SM Supermalls, SM Foundation, Generika Drugstore, Ka Tunying’s, Watsons Philippines, Star City, Majesty Driving School, Hi-Q appliance, Auto-Dox Car Care Center at Philippine Long Distance Telephone Company.

Show comments