Rutang Naga-Legazpi ng PNR, ­maaaring ­magbukas sa Pasko

MANILA, Philippines — Maaari umanong magbukas na sa araw ng Pasko ang rutang Naga hanggang Legazpi sa Bicol region ng Philippine National Railways (PNR).

Ito ay sa sandaling makumpleto na ang rehabilitasyon nito.

“Kung matapos po namin ang mga tulay na kinukumpuni namin hopefully by Christmas, December 25 na ma­ging maiden trip po natin ang Naga papuntang Legazpi,” ayon kay PNR general manager Je­remy Regino, sa Bangon Pilipinas Ngayon press briefing.

Aniya pa, habang inaayos nila ang mga tulay, unti-unti na rin nilng binubuksan ang mga linya.

Dagdag pa niya, “Diretsong linya po mula Lucena hanggang Bicol at ang Naga naman hanggang Legazpi, unti-unti nating binubuksan ito.”

Sinabi rin ni Regino na ang mga riles para sa biyahe sa Lucena hanggang Naga ay kasalukuyan pa ring kinukumpuni.

 

Show comments