^

Bansa

Matatag na suplay ng bigas tiniyak ng Malacanang

Philstar.com
Matatag na suplay ng bigas tiniyak ng Malacanang

MANILA, Philippines – Tinitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayong Secretary of Agriculture na matatag ang suplay ng bigas sa bansa bunsod ng masaganang ani ng mga Pilipinong magsasaka. 

Sinegundahan naman ito ni Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa nang ianunsyo niya na aabot pa hanggang taong 2024 pa ang kasalukuyang suplay ng bigas.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Asec. de Mesa na “komportable” ang national stock inventory ng bigas  dahil mataas ang produksyon ng palay ngayong buwan ng Oktubre.

Kasama na rin sa national stock inventory ang iilang rice imports na kinuha ng Pilipinas noong ikatlong quarter ng kasalukuyang taon. 

“Bagama’t umaasa tayo ng additional imports ay very comfortable iyong ating national stock inventory — normally, tinitingnan natin between 60 to 90 days,” pahayag ni de Mesa.

“But with our inventory plus imports, going into the first quarter of next year ay matatag po ang supply ng ating bigas sa buong bansa,” dagdag ng opisyal.

Giit ni Asec. de Mesa, aabutin na sa 77 araw ang national rice stock inventory.

Kapag natapos aniya ang wet season harvest sa Nobyembre, asahan nang papalo sa 94 na araw ang national rice stock inventory.

“So wala pa rito iyong additional imports noong buwan ng Setyembre at katapusan ng third quarter ay umabot sa 271,000 metric tons iyong na-import,” sabi ni de Mesa explained.

“Ang kabuuan, hanggang end ng third quarter is 2.4 million metric tons. This is 600,000 metric tons lower than three million metric tons of the same period last year,” dagdag ng opisyal.

Sinabi rin ni de Mesa na asahan na ring bababa ang inflation sa mga susunod na buwan, oras na bumaba ang presyo ng bigas sa merkado.

“Kami ay naniniwala na malaki ang epekto ng pagbaba ng presyo ng bigas. Kasi kung titingnan natin, sa inflation rate, malaking bagay iyong food inflation na contribution — at doon sa food inflation, malaking contribution doon iyong bigas,” sabi ni de Mesa.

“At ang tantiya namin, noong nagkaroon ng pag-aaral doon sa inflation, iyong epekto kasi ng Executive Order (EO) No. 39, naramdaman ito towards last week ng September,” sabi ni de Mesa.

BIGAS

PALAY

RICE FARMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with