MANILA, Philippines — Mas umayos daw ang pamumuhay ng 33% ng Pilipino sa nakalipas na 12 buwan ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), ito sa kabila ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ito ang ibinahagi ng survey firm nitong Martes. Nagmula aniya ito sa face-to-face interviews sa 1,500 katao mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao mula ika-28 ng Hunyo hanggang ika-1 ng Hulyo.
Related Stories
- gumanda buhay: 33%
- lumala pamumuhay: 22%
- walang nagbago: 45%
"The resulting Net Gainers score is +11 (% Gainers minus % Losers), classified by SWS as very high (+10 to +19," paliwanag ng SWS kahapon.
"The June 2023 Net Gainer score was 6 points above the high +5 in March 2023. However, it is still 7 points below the pre-pandemic level of very high +18 in December 2019."
Ang "net gainers" classication, na nakukuha sa pag-awas ng porysento ng gumanda sa lumala, ay kumakatawan sa sumusunod:
Karaniwang negatibo ang net gainer score simula 1983. Bagama't nagsimula itong tumaas at makakuha ng mga positibong numero simula 2015, bumaba ito ito pagdating ng COVID-19 pandemic.
Paakyat na ito uli ngunit hindi pa rin nakababalik sa mga numero bago pumasok ang nakamamatay na COVID-19.
Kapansin-pansing mas kaonti pa rin ang mga "mas gumanda ang buhay" ngayon kumpara noong Disyembre 2019, panahon kung kailan hindi pa nagpapatupad ng malawakang lockdowns laban sa COVID-19:
- gumanda buhay: 39%
- lumala pamumuhay: 21%
Umakyat ang net gainers sa Metro Manila mula "high" patungong "very high" kumpara noong Marso, bagay na mas mataas ng 16 puntos (+2 patungong +18). Nanatili ito sa "very high" sa Balance Luzon sa matapos hindi gaano gumalaw mula +12 patungong +13.
"It rose sharply from mediocre to very high in the Visayas, up by 24 points from -14 to +10," sabi pa ng SWS.
"It stayed high in Mindanao, although down by 4 points from +6 to +2."
Nanatili naman itong "excellent" sa mga college graduates, "very high" sa junior high school graduates, "fair" sa elementary graduates at "high" sa hindi nagtapos ng elementarya.
Hindi kinomisyon ng mga pribadong indibidwal ng SWS survey at ginawa aniya sa sariling inisyatiba bilang serbisyo publiko.
Lumabas ang mga naturang balita kahit dalawang magkasunod na buwan nang bumibilis ang presyo ng bilihin at gastusin buhat ng mahal na pagkain.
Matatandaang lumobo sa 6.1% ang inflation rate nitong Setyembre, habang 74% ng mga Pilipino ang nagsasabing gumastos sila nang mas malaki para sa pagkain.
Sa kabila nito, mas mababa ang huling unemployment rate na naitala ng Philippine Statistics Authority sa 4.4%.