MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na maliit lamang ang epekto sa produktong agrikultura sa bansa kaugnay ng gulo sa pagitan ng Israel at Palestine.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, matagal nang ka-partner ng Pilipinas ang Israel.
“The Israel government has been a long-time partner of the DA in various initiatives particularly in water management and fertilization, and so we hope for the immediate resolve of the conflict in the Middle East,” pahayag ni de Mesa.
Anya, ginagamit sa Pilipinas ang Israeli-technology na fertigation para sa drip irrigation ng palay sa bansa at tinatangkilik ng mga magsasaka sa Pilipinas ang fertigation.
“Aside from innovative farm and water systems, we have longstanding trade partnerships with Israel,” pahayag ni De Mesa.
Sinabi nito na matagal nang bumibili sa bansa ang Israel ng desiccated coconut, pineapple juice at concentrates, at iba pang mixtures.
Noong nakaraang taon lamang, umabot sa 3,441,855 kilograms ng ibat ibang produkto ang nai-export ng Pilipinas sa Israel.
Bahagi rin aniya ng importasyon ng dalawang bansa ang orange, grape juice at fructose.