^

Bansa

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair binuksan ni Pangulong Marcos

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong Pilipinas Serbisyo Fair binuksan ni Pangulong Marcos
“Ang programang ito ay isa lamang sa mga unang hakbang ng pamahalaan upang magkaroon ng ba­gong pag-asa at bagong simula ang mga Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos sa pagbubukas nito sa Nabua, Camarines Sur.“Magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap: isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino,” sabi ng Pangulo.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Sabado ang sabay-sabay na paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), ang pinakamalaking service caravan sa bansa na nag­lalayong magbigay ng mga pangunahing serbis­yo ng gobyerno sa mga mahihirap na Pilipino sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.

“Ang programang ito ay isa lamang sa mga unang hakbang ng pamahalaan upang magkaroon ng ba­gong pag-asa at bagong simula ang mga Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos sa pagbubukas nito sa Nabua, Camarines Sur.“Magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap: isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino,” sabi ng Pangulo.

Ang caravan na sabay-sabay na inilunsad sa Laoag, Ilocos Norte para sa Luzon; bayan ng Tolosa sa Leyte para sa Visayas; at sa Munisipyo ng Monkayo, Davao de Oro para sa Mindanao, ay nagbibigay sa mga tao ng tulong medikal, pinansyal, at edukasyon.

Pinangunahan ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Araneta Marcos III ang BPSF caravan for Luzon na ginanap sa Mariano Marcos University campus sa Laoag City habang pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang Visayas contingent sa Visayas State University campus sa Tolosa, Leyte.

Si Special Assistant to the President Anton Lagdameo ang nanguna sa BPSF na ginanap sa Poblacion Monkayo, Davao de Oro.

Itinampok sa event ang flagship government program na “Kadiwa ng Pa­ngulo,” Passport on Wheels, Driver’s License registration/assistance, National ID, Pag-IBIG Fund, NB) at police clearance applications.

Nagpaabot din ng tulong ang Pangulo sa mga magsasaka ng Camarines Sur. Ang Department of Agriculture (DA), Philippine Coconut Authority, PHILMEC, at National Dairy Authority ay namahagi ng mga tractors, harvester, hauling truck at iba pang makinarya at kagamitan sa sakahan.

Para sa mga mangi­ngisdang Bicolano, namahagi ang Bureau of Fishery and Aquatic Resources ng fish cage at mga motorized na banca.

Ang DOH ay nagbigay ng wheelchair sa mga may kapansanan na senior citizens at mga dumaranas ng iba’t ibang karamdaman.

Gumagamit ng halos P1 bilyong pondo, ang BPSF ay isang convergence ng mga panguna­hing serbisyo ng gobyerno na naglalayong maabot ang mga mahihirap na Pilipino sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.

vuukle comment

CARAVAN

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with