MANILA, Philippines — Umapela si National Security Adviser Eduardo Año sa Kongreso na patuloy na suportahan ang Barangay Development Program (BDP), na itinuturing na “game changer” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Año na ang BDP ang ginagamit ng NTF-ELCAC para wakasan ang lagpas limang-dekada na insurgency ng mga komunistang-terorista.
Ani Año, umaasa siyang maaaprubahan ng Senado at Kamara ang budget sa BDP para sa 2024 na gugugulin sa 864 barangay na dating hawak ng mga communist terrorist group.
Sa isinumiteng budget proposal ng NTF-ELCAC, kada barangay sa 864 na bilang ay paglalaanan ng P10 milyon para sa kaunlaran nito. Base na rin sa hangarin ni Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. na magkaisa na ang lahat sa bansa at maging “bringers of peace” ito sa mga Filipino.
Si Año, na tumatayong co-vice chairman kasama si Vice Pres. Sara Duterte ng NTF-ELCAC, ay nagsabi rin na masasayang lamang ang ginugol na panahon ng task force sa pakikipaglaban nito sa CPP-NPA-NDF.
Ang sabi pa ni Iringan, magmula nang itatag ang NTF-ELCAC, 3,878 barangay na ang nababaan ng pondo ng BDP na ginamit ng mga residente sa kanilang pangunahing pangangailangan.