P72 billion budget sa Supreme Court hiniling ng Duterte Youth
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Duterte Youth Party-List Representative at House Appropriations Committee Member Drixie Mae Cardema na bigyan ng P71.91 bilyong pondo ang Supreme Court (SC) at iba pang korte sa bansa sa susunod na taon.
Sinabi ni Cardema ito ay para mabigyan ng hustisya ang pagiging independent at co-equal branch ng hudikatura.
Giit pa ng kongresista, na kaya matagal ang sinasabing hustisya sa bansa dahil kulang sa mga Judges at korte sa bansa na didinig sa mga kaso ng bayan.
Kaya kailangan umanong tulungan ang Korte Suprema sa kanilang mandato na magsaayos ng mas maraming korte sa ating bansa na siyang mag-aasikaso sa tambak-tambak na nagiging kaso sa lahat ng panig ng buong bansa.
“Puro tayo reklamo na mabagal daw ang hustisya sa bansa, ‘di naman natin binibigay ang kanilang kailangang buong budget pang-operate para makabuo sila ng mga solusyon,” giit pa ni Cardema.
Nabatid na nasa P57.79 bilyon lamang ang inirekomendang pondo ngg sangay ng ehekutibo para sa sangay ng lehislatura.
Kaya giit ni Cardema, dapat na magkaroon na ng fiscal autonomy ang hudikatura.
- Latest