2 Pinoy pa, nasawi sa Hawaii wildfire

An aerial image taken on August 10, 2023 shows destroyed homes and buildings on the waterfront burned to the ground in Lahaina in the aftermath of wildfires in western Maui, Hawaii.
AFP / Patrick Fallon

MANILA, Philippines — Dalawang Pinoy pa ang kumpirmadong kabilang sa nasawi sa wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Mabalot, 68, tubong Laoag City at isa pang matandang lalaki na hindi pa pinangalanan.

Kinumpirma ito ng Philippine Consulate General sa Honolulu at ng anak ni Mabalot na si Richelle sa kanyang facebook post.

Ang kumpirmasyon ay ginawa matapos na lumabas ang DNA samples na pinagtugma ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Huli umanong nakita si Mabalot noong Agosto 8 bandang 3:30 pm malapit sa Banyan Tree sa Lahaina.

Una nang iniulat na nasawi sa wildfire ang Filipino-Americans na sina Salvador Coloma, 77; Carlo Tobias,54; Rodolfo Rocutan,76; ang mag-inang Conchita at Danilo Sagudang, 55; at Alfredo Galinato, 79.

Patuloy namang pi­nag­hahanap ng mga oto­ridad ang iba pang residente ng Lahaina na nawawala pa matapos ang wildfire noong Agosto 8.

Show comments