Enrollees, higit 17.3 milyon na

Some mothers accompany their children as they enroll for the upcoming school year in Baguio City High School on August 7, 2023.
Photos by Andy Zapata Jr./The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 17.3 milyon ang bilang ng mga enrollees para sa School Year 2023-2024.

Sa datos ng Department of Education (DepEd), hanggang Agosto 22, 2023 ay nasa 17,389,572 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

Pinakamarami pa rin ang mga estudyante na nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 2,915,796.

Sumunod ang National Capital Region (NCR) na may 2,263,482 enrollees at Region III na 1,933,651 enrollees.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng DepEd ang mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak sa eskwela.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang Agosto 26, 2023. Ang pagsisimula ng klase ay nakatakda na sa Martes, Agosto 29, 2023.

Show comments