Plaka na ending 7 sa Regions 1, 2, 3 at CAR walang multa

Kung irerehistro hanggang August. 15 - LTO

MANILA, Philippines — Hindi pagmumultahin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga sasakyan na may ending 7 (July) mula sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR) kung ire-renew ang rehistro hanggang August 15, 2023.

Ang hakbang ay ginawa ng LTO bilang pagbibigay daan sa mga naapektuhan ng bagyong Egay na nagdulot ng pinsala sa Northern Luzon.

Dapat sana ay magmumulta na ang mga sasakyan na ang plaka ay may ending 7 na hindi naiparehistro sa buwan ng Hulyo, pero dahil binagyo ang Northern Luzon, walang multa kapag nairehistro sa LTO hanggang sa August 15.

Ang mga sasakyan naman na may ending 8 ay dapat nang i-renew ang rehistro ngayong Agosto sa LTO.

Show comments