^

Bansa

'Rescue units' sasaklolo sa pasahero sa 3-day transport strike ngayong SONA

James Relativo - Philstar.com
'Rescue units' sasaklolo sa pasahero sa 3-day transport strike ngayong SONA
Commuters wait for an alternative ride along Commonwealth Avenue in Quezon City on Monday morning due to the nationwide transport strike by some PUV drivers and operators.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Handang-handa na raw ang gobyerno para sa welgang ikakasa ng mga tsuper at operator ng mga public utility vehicles sa ika-2 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagay na kaugnay pa rin ng kontrobersyal na PUV modernization program.

Ito ang ibinahagi ng  Inter-Agency Task Force Monitoring Team (IATF-MT) ngayong Martes matapos ang pulong nina Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, MMDA Acting Chairman Don Artes, at MMDA General Manager Procopio Lipana sa iba't ibang government agencies at Metro Manila traffic bureau.

"We request the LGUs to cooperate with the single dispatching system of the rescue assets at the MMDA Command Center on the day itself," ani Guevarra.

"During the last transport strike, we were able to monitor through the CCTV... cameras the convergence of rallyists, and can easily call the PNP (Philippine National Police) to maintain peace and order."

Ika-12 ng Hulyo nang ianunsyo ng grupong MANIBELA na magkakasa sila ng tigil-pasada mula ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo kaugnay ng PUV modernization program, bagay na lalahukan daw ng 300,000 ng kanilang kasapian.

Reklamo ng mga grupo, hindi na raw kasi sila naisasama sa mga pag-aaral pagdating sa Omnibus Franchising Guidelines ng Department of Transportation, bagay na naglalayong palitan ang mga tradisyunal na jeep ng mga mas "makakalikasang" sasakyan, bagay na nagkakahalaga ng hanggang P2.8 milyon kada unit.

"We were able to address the needs of the riding public before because of the united efforts of the government with agencies and 17 Metro Manila local government units," paliwanag ni Artes.

'Rescue units' susundo sa mga stranded

Paliwanag naman ni Lipana, isang central dispatch ng mga rescue units daw ang kukuha sa mga pasaherong mahihirapang makasakay upang patuloy na makapaghanap-buhay ang mga tsuper na hindi sasama sa tigil-pasada.

"Inter-agencies are prepared to take necessary measures on the affected routes; monitoring and coordination with the LGUs are necessary. Each national and local agency are ready to provide rescue units or vehicles to assist the riding public in case possible passengers build up," ani Lipana.

Una nang nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa grupong MANIBELA na 'wag nang ituloy ang napipintong pagkilos lalo na't mga mananakay diumano ang numero unong maaapektuhan nito.

Makikipag-ugnayan naman daw si Zona Russet Tamayo, regional director ng LTFRB Regional Franchising and Regulatory Office for the National Capital Region, sa mga transport groups na hindi lalahok.

Ayon sa MMDA, Lunes lang nang tiyakin ng "Magnificent 7" — mga grupong Altodap, Pasang Masda, PISTON, ACTO, Fejodap, Stop and Go at LTOP — na hindi sila sasama sa naturang tigil-pasada.

Kahit na hindi kasama sa transport strike, kinumpirma naman ni PISTON president Mody Floranda na lalahok ang kanilang grupo sa malawakang mga protesta sa ika-24. 

vuukle comment

JEEPNEY

JEEPNEY PHASEOUT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRANSPORT STRIKE

UV EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with