^

Bansa

Evacuation centers sa lahat ng lungsod, munisipalidad muling isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon, muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa mga evacuation center sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa.

Binigyang diin ni Gatchalian na nakakaantala sa pagpapatuloy ng edukasyon ang paggamit sa mga school buildings bilang evacuation centers sa panahon ng mga kalamidad.

Ayon sa ulat, mahigit 17,000 mag-aaral mula sa limang bayan sa Albay ang apektado ng paglikas. Nananatili ang mga evacuee sa mahigit 20 na pansamantalang silungan at karamihan sa mga ito ay mga paaralan sa elementarya at high school.

Bagama’t 80% ng mga mag-aaral ang nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral gamit ang mga module, patuloy naman ang iba sa face-to-face classes na isinasagawa sa mga gymnasium o daycare center, pati na rin sa mga corridor o sa ilalim ng mga puno.

Sa ilalim ng Evacuation Center Act (Senate Bill No. 940) na inihain ni Gatchalian, ipapatayo sa bawat lungsod at munisipalidad ang angkop na pasilidad sa mga kailangang lumikas dahil sa mga sakuna at kalamidad.

Sa ilalim ng panukala, dapat kayanin ng mga evacuation center ang mga hanging may bilis na 320 kilometers per hour o 200 miles per hour, at lindol na may lakas na 7.2 magnitude pataas.

Nakasaad din na makikipag-ugnayan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga alkalde upang tukuyin ang mga lugar na bibigyang prayoridad sa pagpapatayo ng mga evacuation center.

Nakasaad sa Children’s Emergency Relief and Protection Act (Republic Act No. 10821) na gagamitin lamang ang mga classroom bilang evacuation center kung wala nang ibang pasilidad na maaaring gamitin. Sa kabila nito, dismayado si Gatchalian na patuloy na ginagamit ang mga paaralan bilang evacuation center dahil nakakaantala ito sa pag-aaral ng mga estudyante.

EVACUATION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with