El Niño, malapit nang maramdaman - PAGASA

Sa ngayon ang bansa ay nasa ilalim pa ng El Niño Alert pero oras na ilabas ng ahensiya ang El Niño advisory ay hudyat na ito na umiiral na ang tagtuyot.
PAGASA

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malapit nang umiral sa bansa ang El Niño Phenomenon o panahon ng tagtuyot sa bansa.

Sa ngayon ang bansa ay nasa ilalim pa ng El Niño Alert pero oras na ilabas ng ahensiya ang El Niño advisory ay hudyat na ito na umiiral na ang tagtuyot.

Ayon kay PAGASA acting Administrator Dr. Esperanza Cayanan, sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang nila na maabot ang atmosphere criteria bago pormal na ianunsyo ang panahon ng El Niño.

Sa panahon ng tagtuyot, inaasahan ang below-normal rainfall o mas kakaunting ulan at dry spell sa ilang bahagi ng bansa.

Samantala, posible namang maranasan sa kanlurang bahagi ng bansa ang above-normal rainfall lalo sa habagat season.

Sinabi ni Cayanan na oras na may El Niño advisory na ay inaasahang maglalabas na rin ang PAGASA ng dry spell at drought assessment.

Inaasahan ng PAGASA na posibleng tumagal ang El Niño phenomenon hanggang sa unang quarter ng 2024.

Ang El Niño ay papasok sa bansa sa panahon ng tag-ulan kaya’t kakaunting ulan ang inaasahang ma­ramdaman.

Show comments