Single parents, breastfeeding moms kasama sa food stamp program
MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsasama sa mga single parents at mga nanay na nagpapasuso sa programa ng food stamp ng gobyerno.
Ayon kay Palace briefer Daphne Paez, ang pagsasama sa mga single parents at mga breastfeeding moms ay magpapalakas sa First 1,000 Days Program na naglalayong tugunan ang “pagkabansot” sa pamamagitan ng maternal nutrition at tamang child-feeding practices.
Inihayag naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na iniutos ni Marcos na dapat malabanan ang kagutuman at pagkabansot ng mga bata.
Inilarawan ni Gatchalian ang unang 1,000 araw mula sa pagbubuntis hanggang sa paggagatas bilang isang “crucial period.”
Sa mga pag-aaral, ang pagkabansot ay nangyayari na sa oras na ang ilang mga bata ay umabot sa daycare.
Humigit-kumulang 1 ?sa 5 batang Pilipino na may edad 0-23 buwang gulang at 28.7 porsiyento ng mga batang wala pang 5 taong gulang ay bansot, ayon naman kay Health Secretary Ted Herbosa.
Aniya, layunin ng kanyang ahensya na hatiin ang mga bilang na ito sa 2028 o ang pagtatapos ng administrasyong Marcos.
Kung nais ng gobyerno na maging matalino ang human capital ng bansa, dapat silang pakainin ng maayos.
Layon ng pilot testing ng food stamp program na matulungan ang nasa 1 milyong pinakamahihirap na pamilya.
Ang mga target na benepisyaryo ay makakatanggap ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 para makabili ng piling listahan ng mga pagkain mula sa DSWD-accredited local retailers.
Sisimulan ang pilot testing ng food stamp sa Hulyo.
- Latest