MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang bagyong "Chedeng" habang tumatawid sa ibabaw ng Philippine Sea at posibleng magpalakas ng hanging Habagat na siyang magpapaulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Naobserbahan ang sentro ng Tropical Storm Chedeng 1,060 kilometro silangan ng Timogsilangang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA bandang 4 a.m. ng Miyerkules.
- Lakas ng hangin: 75 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 90 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
"Tropical Storm CHEDENG is unlikely to directly bring heavy rainfall over any portion of the country in the next [three to five] days," paliwanag ng PAGASA.
"Although the current forecast scenario for this tropical cyclone may result in the enhancement of the Southwest Monsoon, the timing and intensity of monsoon rains over the country (especially in the western portion) may still change due to the dependence of monsoon enhancement on the forecast movement and intensity of CHEDENG and its interaction with the other weather systems surrounding it."
Nakikitang kikilos ito pahilagangkanluran o kanluran hilagangkanluran ngayong araw hanggang Biyernes bago pumihit pahilaga o hilagangsilangan hanggang weekend.
Sinasabing mananatiling malayo sa Philippine landmass ang bagyo.
"Owing to favorable environmental conditions, CHEDENG is forecast to intensify in the next [three to four] days and may be upgraded to severe tropical storm category tonight or tomorrow and into a typhoon on Thursday," patuloy ng PAGASA.
Hindi pa ngayon inisasantabi ang posibilidad ng rapid intensification at maaaring maabot ang "peak intensity" nito pagsapit ng Biyernes o Sabado.
Inaabisuhan ngayon ng mga dalubhasa ang publiko na patuloy sundan ang mga updates patungkol sa posibleng paglakas ng Southwest Monsoon dulot ng bagyo.