MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Navy ang tulong sa Bureau of Corrections sa pagdadala ng mga detainees sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan.
Ang paniniyak ay ginawa ni PN Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa pagbisita ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. headquarters ng PN.
Nabatid na sa naturang pagpupulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang planong magtatag ng agro-aqua industrial food production hub sa IPPF sa pamamagitan ng paglipat ng mga naturang preso mula na National Bilibid Prison.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na maging aktibo sa agrikultura at environmental Protection.
Layon din aniya na maitaas ang moral at pagkatao ng isang PDL tungo sa kanilang pagbabago.
Nagpasalamat naman si Catapang sa suporta ni Adaci kasabay ng pagbati sa Philippine Navy sa kanilang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ngayong buwan.