'Bagong milyunaryo': Mananaya sa Iloilo City tinamaan P44.07-M lotto jackpot

Individuals bought lotto tickets at a lotto outlet in Quezon City on Sunday (October 2, 2022).
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nag-iisang napalanunan ng isang Ilonggo ang P44,070,179.40 jackpot prize matapos tayaan ang mga nabunot na numero sa nakaraang Lotto 6/42 nitong Huwebes.

Nakuha ng nasabing manlalaro ang winning combination na 36-07-19-26-08-01 kahapon. 

"One (1) Winning Ticket was bought in Iloilo City, Iloilo," banggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office ngayong Biyernes.

 

 

Samantala, may nag-iisang jackpot winner din ang 6D Lotto kahapon matapos matamaan ang winning combination na 0-4-2-0-7-3.

Wala namang nakakuha ng Superlotto 6/49 na siya ring binola kahapon.

Paalala naman ng PCSO, hindi makukuha nang buong-buo ng mga mananaya ang kanilang mga papremyo lalo na't saklaw ito ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law. 

"Prizes above P10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN Law," paliwanag ng PCSO.

"All winning should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund." — James Relativo

Show comments